Lunes, Nobyembre 5, 2012

Baybay sa Wikang Pilipino






PONEMA

Sa wikang ginagamitan ng tinig, ang ponema ay ang pundamental at teoretikong yunit ng tunog na nagbubuklod ng salita. Nakakabuo ng ibang kahulugan kapag pinapalitan ang isang ponema nito.

Phonetics at Phonology

Ang batayang yunit ng tunog na pinag-aaralan sa Phonology at Phonetics ay ang ponema (o phoneme). Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog sa wika. Ang Phonetics ay ang pag-aaral ng mga tunog na posibleng likhain ng tao na matatagpuan sa lahat ng wika. Samakatwid, ang ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng paglikha ng tao ng tunog na kanyang ginagamit sa wika, at kung paano ito tinutukoy ng tao mula sa iba pang mga tunog na hindi bahagi ng wika.

Morphophonemics o Morpoponemiko

Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito. Mga uri ng pagbabagong morpoponemiko sa wikang Filipino:

Ito ang mga pangunahing gamit ng mga Morphophonemics at Morpoponemiko

Asimilasyon - pagbabagong nagaganap sa (n) dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito. Asimilasyong di ganap - pagbabago sa unang morpema Halimbawa: pang + bansa = pambansa, sing + bait = simbait, mang + batas = mambabatas Asimilasyong ganap: pagbabago ng kapwa panlapi at salitang-ugat. Halimbawa: mang + tahi = manahi, pang + palo = pamalo, pang + takot = panakot Pagpapalit ng ponema = kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y pinapalitan ng ponemang "r". Halimbawa: ma + damot = maramot, ma + dunong = marunong Metatesis =-pagpapalit ng posisiyon ng panlaping "-in" kapag ang kasunod na ponema ay ang mga ponemang (l, o y) Halimbawa: lipadin-nilipad, yakapin-niyakap Pagkakaltas ng ponema - mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema. Halimbawa: takip + an = takpan, sara + han= sarhan, labahan = labhan, dalahin = dalhin Paglilipat-diin = kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago kapag ito'y nilalapitan. Halimbawa: laro + an = laruan, dugo + an = duguan

Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino

Kalikasan ng Leksikal na Korpus ng FilipinoAng ortograpiya ay ang representasyon ng mga tunog ng isang wika ng nakasulat onakalimbag na mga simbolo tulad ng alpabeto.Bago dumating ang mga Kastila ay may sarili nang alpabeto ang mga lumad sakapuluang ito. Ito ay tinatawag na Alibata o Baybayin na may 14 katinig o konsonant at 3 patinig o vowel. Pinalitan ito ng alpabetong Romano nang dumating ang mga Kastila.Taong 1940 o tatlong taon matapos buuin ang Wikang Pambansa o Wikang PambansaBatay sa Tagalog ayon na rin sa nasasaad sa 1935 Constitution, isinilang ang kauna-unahang ortograpiya. Binuo ni Lope K. Santos, ang Abakada (15 katinig at 5 panitig) namay 20 letra: a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y. N oong Oktubre 4, 1971 o labindalawang taon matapos palitan ng pangalan Pilipino angWikang Pambansa o Wikang Pambansa Batay sa Tagalog, ipinagtibay ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa (ngayon ay Komisyon sa Wikang Pambansa ), angortograpiyang Pilipino na tinaguriang "pinayamang alpabeto" na binubuo ng 31 letra: a bc ch d e f g h i j k l ll m n ñ ng o p q r rr s t u v w x y z . Idinagdag sa 20 letra ng Abakadaang 11 letra at degrapo mula sa Kastila (c ch f j ll ñ q rr v x z).

DISKURSO

Ang diskurso ay maaaring tumukoy sa:

Tula
Pananalita
Talumpati
Talakayan
Pagtalakay
Panayam

KOMUNIKASYON

Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang Araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksyon ng mga tao sa isa't isa.
Iba't ibang kahulugan
Diksyunaryong Webster: Ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.
Barnhart (American College Dictionary): Ang komunikasyon ay pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat, o pagsenyas.
Sikologo: Napiling pagtugon o reaksyon.
Dalubwika: Ang komunikasyon ay ang pakikibahagi ng tao sa kanyang kapwa at pakikibagay niya sa kanyang kapaligiran.
Aristotle: Nagsasalita, sinasabi, nakikinig


SINTAKSIS

(contrasted to parataxis) is style in writing or in rhetoric that favors complex syntax, as against simple sentence structures. For example, 19th-century German academic prose, and John Milton's "Paradise Lost" poetry in English are notably syntactic.

KONTEKSTO NG DISKURSO

• Ang kontesksto ng isang diskurso ay maaaring interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian.
hal.
1.Kontekstong Interpersonal - usapan ng magkaibigan
2.Kontekstong Panggrupo - pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral
3.Kontekstong Pang-organisasyon - memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng empleyado (o pag nagpopromote)
4.Kontekstong Pangmasa - pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante
5.Kontekstong Interkultural - pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN
6.Kontekstong Pangkasarian - usapan ng mag-asawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento